Wednesday, August 6, 2008

LP # 19 Ako up-close and personal

Ito ang ilan sa mga paborito kong gamit. May mga istorya ang bawat gamit ko na nasa larawan. Ang pinakamemorable syempre ay ang aking wedding ring at ang "replacement" sa aking engagement ring. Sa hindi po nakakaalam, ang aking "original" na engagement ring ay nawala 3 araw bago ako ikasal. Nanghihinayang pa rin ako hanggang ngayon kapag naaalala ko ang buong pangyayari. Yan ay nawala sa Mendez spa sa SM Megamall habang ako ay nagpapamper ng sarili ilang araw bago ang aking big day. Inisip ko na lamang na siguro may mas importante pang bagay na darating sa akin at mas marami pa ngang blessings ang dumating. Salamat sa pagbabasa at maligayang araw!

19 comments:

fortuitous faery said...

luxurious lady ka pala!

huwag mo na lang isipin yung nawalang singsing...materyal na bagay lang iyon...mas mahalaga ang pag-iisang dibdib na naganap. simbolo lamang ang mga singsing ninyo.

shutter happy jenn said...

Tunay na nakakahinayang nga ang mawalan ng isang importanteng bagay. Pero gaya ng sabi ni Faery, mas mahalaga ang pag-iisang dibdib na naganap.

Ang aking lahok para sa LP ngayong linggo ay narito. Daan ka ha? Salamat!

Anonymous said...

ang sosyal sosyal naman ng iyong larawan! :-P

sweetytots said...

sayang nga... di naman importante ung sing sing. importante natuloy ung kasal diba? dalaw k sa laho ko..
http://www.sweetprettynaughty.blogspot.com

arvin said...

Sayang nga't nawala. Pero ang hinding-hindi mawawala ay kung ano ang inirerepresenta ng singsing na yun:D happy LP!

lino said...

nice... happy LP... :)


http://linophotography.com

cross eyed bear said...

nakakahinayang nga yun. lalo na sa special na kahulugan. pero sabi nga nila, mas mahalaga ang inyong pag-iisang dib-dib.

ganda ng kuha!

Dr. Emer said...

Naalala ko yung 'favorite things' na song sa Sound of Music.

Happy LP!

ScroochChronicles said...

ay..type ko yung bag!! LV..ang taray :D

Ibyang said...

may sentimental value pa naman talaga ang mga "original" na engagement ring...kahit ako malulungkot kung mawala ang engagement ring ko. pero di bale, ang importante, magkasama kayo ng mahal mo :)

ibyang
http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/08/litratong-pinoy-nag-iisang-bandido-ng.html

DigiscrapMom said...

very pretty things about you.

sayang yung nangyari sa engagement ring mo. pero at least napalitan naman at ang importante eh kasal pa rin kayo ng hubby mo.

etteY said...

wow sosyal ang bag nyo po ha! :D

misis_pb said...

ako naman, cellphone ang nawala sa akin 5 araw bago ang kasal! pero i didn't let it pull me down. tama ka, parati naman may kapalit na mas higit pa... :-)

M said...

oo nga, mukha ngang nakakahinayang (pero pwede naman magpagawa siguro ng kapareho noon kung gusto mo? hehehe).

happy weekend!

http://mysilverchair.blogspot.com

Toni said...

Wow! You love the good things. Love it!!

heartcaptures said...

ako rin malulungkot ng sobra pag mawala ang isa sa mga singsing ko.. parehong mahalaga ang engagement at weddings rings..

tama ang mindset mo, may dadating na kapalit yan or baka nga dumating na e di ba. :)

Anonymous said...

amg ganda ng kuha mo! at ang ganda din ng bag. hehe... happy LP at salamat sa iyong dalaw. :)

Leah
http://leahjoseph.com

Dyes said...

wow, ang astig ng bag ha! simbolo lang naman ang nawala, hindi ang commitment :) sana sa nangyari ay lalo nyo pang papatunayan na ang pagsasama ay hindi nakasalalay sa pamahiin o materyal na bagay :)

iska said...

one word... sosi!
:-)