Maligayang Huwebes sa lahat! Malapit na naman ang Sabado at siguradong babalikan namin ang lugar na ito dahil meron kaming mga kaibigang ipapasyal. Ito ang Old port dito sa Montreal. Magandang pasyalan at puntahan ng mga taong mahilig manood ng iba't ibang palabas. Meron ditong park kung saan pwedeng mag-picnic, magbasa ng libro or kahit mag-sun bathing. Ang kanilang science center ay libangan naman ng mga taong mahilig sa imax. Pwede mo rin ikutin ang lugar sa pamamagitan ng pagsakay sa tricycle or kalesa. Dito rin makikita ang mga taong mahilig magpakita ng kanilang talento. Isang street dito ay puno ng mga taong kumakain ng apoy, tumutugtog ng piano, violin, guitar at kung ano ano pa. Meron din mga kumakanta, sumasayaw, clowns na nagpapatawa at mga estatwang gumagalaw kapag binigyan mo ng pera. Sa paligid nito ay punong puno din ng mga restaurant. Dito sa dalampasigan na ito may mga cruise na dumadaong at nagsisilbing sakayan ng mga taong gustong makita ang Montreal sa pamamagitan ng St. Lawrence river.
(Para sa mas malaking larawan, paki-click na lang ang image)
(Para sa mas malaking larawan, paki-click na lang ang image)
8 comments:
quebec, pangarap ko makapunta dyan ang ganda ganda parang europa!
I agree with you. This is a great place to relax. Hope to visit soon also!
Mukha ngang ang ganda dyan. Thanks for sharing!
post card perfect photos, ang galing nga mga shots...
hope to visit the place someday.
parang ang ganda nga dyan. sana makapunta dn ako dyan someday.
here's mine..
http://www.inthespiritofdance.com/2008/07/lp-18-dalampasigan.html
i'm so proud to be able to say that i love the old port of Montreal...and Montreal overall....
wow ganda naman dyan..
Post a Comment